Sa ating buhay ay may mga araw o oras talagang mababagot ka na sa mga nangyayari dahil di ka makasabay sa daloy ng usapan o pangyayari o di kaya’y hindi mo lang talaga alam ang gagawin mo. Napakalaki nga namang pasakit sa buhay pagnabagot ka. Kaya naman kailangan mong gumalaw at may gawin sapagkat pinapatay ng pagkabagot ang kasiyahan at disposisyon ng iyong pagiisip. At hindi rin dahil nababagot ka ay matutulog ka na lamang at pupunta sa mundo ng iyong panaginip buong araw o di kaya’y magbabad sa panonood sa mga pangyayari at pinagpopost ng mga kaibigan mo sa facebook o twitter. Pero nakadepende naman sa iyo at sa interes mo sa buhay kung paano mo papasayahin ang sarili mo pagnabagot ka.
Maraming paraan para matangal ang kabagutan mo. Kaya naman heto ang naisip kong mga solusyon para mawala ang kabagutan mo.
Maligo ng Matagal
Magandang maligo kung ika’y nababagot dahil sa banyo ay marami kang maiisip na mga bagay-bagay at bukod pa rito ay nakakapagpahinga ka sa magulong mundo sa labas. Magpatugtog ka ng musika at magtampisaw sa shower o kung may bathtub kayo ay masarap mapalibutan ng tubig lalong lalo na kung mainit ang tubig, pwede rin naman na gamitin mo ang palanggana basta malaki ang gamitin mo at huwag mong sirain dahil lagot ka sa nanay mo.
Magluto at Kumain
Pagkain ang isa sa unibersal na solusyon sa lahat. Gutom?Kain!Galit?Kain!Bagot?Kain pa rin. Pero mas mainam kung matuto ka magluto ng bagong putahe pagbagot ka lalo na at mas mabibigyan mo ng pokus ang pagluluto. Okay lang kung hindi maging masarap ang luto mo sa una. Magagawan yan ng paraan maghanap ka lang kung paano magluto ng maayos sa Internet.
Magbasa o Magehersisyo
Maari mo ring palawakin ang isip mo o patikasin ang katawan mo, bahala ka na kung alin at kung ano ang pinagkakainteresan mo. Kung magbabasa ka ay mairerekomenda ko ang serye ni Rick Riordan pagkat ito’y mainam na pampalipas ng oras. Kung mageehersisyo ka ay mainam na kumuha ka ng plano sa deerby.com pagkat detalyado at pulido ang mga plano nila sa pageehersisyo.
Gumuhit at Magpakamalikhain
Minsan ang pagkabagot ay di bunga ng napakadaming gagawin baka ito ay bunga ng hindi mo paggawa ng mga bagay na gusto mo. Kaya naman kung interesado ka sa pagguhit, pagpinta o kahit ano pang malikhain aktibidad ay bakit hindi mo subukan at kung hindi ka marunong gumuhit bakit di mo pagaralan o di kaya’y gumawa ka ng tula o kanta o matuto ka ng gitara. Maraming malikhaing aktibidad na pwede mong gawin. Sa akin ay pagnababagot ako ay gumagawa ako ng blackout poetry. Mainam ito pagkat nahahamon nito ang utak mo na magisip kung paano makagawa ng pangungusap na magandang pakinggan.
Manood ng Pelikula, Serye o Telenobela
Alam nating hindi produktibo ang manood lang pero minsan nababagot ka dahil na rin masyadong nakakapagod sa dami at bigat na mga dapat mong gawin sa iyong trabaho, eskwelahan o sa bahay kaya kailangan mo namang makahinga sa buhay. Marami kang pwedeng mapanood ng libreng pelikula at seryeng Ingles sa “Netflix”, o pwede ka namang manood ng Kdrama sa “Kisschan”, o anime sa “Kissanime”, o ng lumang cartoons sa “Kisscartoon” at kung wala ang gusto mo sa mga nabanggit ay maghanap ka na lang ng website na kung saan pwede kang manood ng libre. At kung gusto mo talagang manood ay may listahan akong ginawa na inirerekomenda kong panoorin mo. Pasensya na kung walang pelikulang nakakatakot dahil di ko talaga gusto ang nakakatakot na pelikula dahil nababading ako ng limang segundo pagnakakatakot na ang eksena sa pelikula pero kung gusto mo talaga, manood ka ng Insidious, The Nun at Conjuring.
Aksyon Mission Impossible/ Upgrade / 12 Strong / Taken / John Wick / 13 Hours in Bengahazi / City Hunter / One Piece / Hunter X / Kingdom / Arslan Senski / Hitsuge no Chaika / Band of Brothers / Arrow / Titans / Flash / The Pacific
Misteryo Be Careful What You Wish For / Murder on the Orient Express / Invisible Guest / Erased / Death Note / Youkuso / Assasination Classroom / Bongo Stray Dogs / SHERLOCK HOLMES
Pag-ibig Long Ride / The Fault in our Stars / My X & Y’s / The How’s of Us /Your Lie in April / Toradora / Nisekoi / Shirayuki no hime / Descendants of The Sun / Legend of the Blue Sea / My Love in the Stars / I’m Not A Robot / Scarlet Heart
Makaluma
Saving Private Ryan/ Die Hard / Oceans / James Bond
Naruto / Dragon Balls / Inuyasha / Blue Dragon / Shaman King
Piksyon 2 : 22 / Star Wars / A Quiet Place / Sword Art Online / Log Horizon / Steins Gate
Komedya Patay na si Hesus / Johnny English / Hangover / One Punch Man / Mob Psycho / Baka To Test / How I Met Your Mother / Brooklyn 99
| Had Vista Alfuente |
Note : Ang mga imaheng ginamit ay galing sa Google Images
Di talaga maiwasan na nawawala satin miski ang mga bagay na pinakaiingat ingatan natin. Tulad nalang ng pinaka-una mong touch-screen na phone na naupuan, naipit sa bulsa ng pantalon, tinapon ng kapatid mo na makulit, na embargo ni GInoong Vence, lumobo yung battery, nandilim, di mahawakan, walng kibo, namanhid, nanakaw,katabi mo lang pagtulog paggising mo wala na. Naku po naloko na!Pano ka na matatawagan 0.0, pano na yung rank sa ML, tapos yung mga reviewers sa Math, Physics lalo na sa Fili (HAHAHA)? Buti kung mayy bago agad na dumating. Mahirap din naman kasi mapalitan kung ano yung nawala mo sa kanya diba.
Dyan pumapasok …yung dati mong phone, tawagin nalang natin na iPonEx.Yung malii lang,na dipindot lang, na black ‘n white lang, na simple lang sa madaling sabi at ipinagpalit mo lang naman sa iba. Pero kahit ganun, andyan parin. Buhay parin. Edi ayun, magtatsaga ka nanaman sa pinaglumaang selpon ng kuya o ate o mama mo; walang wi-fi, bluetooth,netflix,youtube,messenger, magandang camera (na maraming filters pampaganda (ewww)) at marami pang iba. Kaya minsan, aminin man natin o hindi,medyo nakakahiya talaga ilabas at ipakita sa balat ng lupa ang ‘ex’ mong phone.
Pero napagisip isip ko,masaya naman bumalik kay iPonEx. Unang una yan eh,
SUPORTIB
Maiengganyo ka talagang mag aral dahil sa iPoEx mo. Pwedeng alas 9 palang sayo kahit pasadong alas 11 na talaga nang gabi. Ayos diba 🙂 ? Hindi ka aantukin, dahil ikaw ang bahala kung anong oras na. Bukod doon e wala ring mga pang-istorbong apps. In-short di mo talaga sya magagamit o bubuksan manlang liban nalang kung nagtext may importanteng text ang mama mo o kapag galit na sya 🙂 . Makakapagfocus ka talga sa pagaaral dahil wala kang choice; di ka matetempt na buksan ang messenger mo at tingnan kung nagreply na ba si kras.
Tapos..
PANGMATAGALAN
Kung medyo ulianin ka na, di mo na sigro maaalala kung kailan mo ito huling kinargahan. Panis yung bago mo na pansamantala lang; charge mo ngayon, lowbat mamaya. Mahabang mahaba ang buhay ng batireya ng iPonEx sa baka nga pwede kangmagcelebrate ng anniversary ng pagcharge ,di katulad ng iba ngayon minsan, hanggang weeksary nalang 🙂 .
PAMBIHIRA
Naholdap na lahat ng selpon ng mga kasama mo sa sasakyan, yung iPonEx mo nasayo parin 🙂 . Instant ticket pababa ng jeep. Sa oras na makita ng magnanakaw yung iPonEx mo, pwede ka na bumaba nang walang kahirap hirap.
#WalangKaagaw.Di pagiinteresan ang iPonEx mo.Sayong sayo lang talaga sya, sawakas mararanasan mo narin magkaroon ng di aagawin sayo. Andami na kasing mangaagaw ngayon e. charot!)
TIGASIN
Ilang beses nang nahulog tapos di nasao pero buhay parin. Ganya katigas ang iPonEx.. Si iPonEx pagnalaglag yung lalagpakan nya ang mababasag. Ganun sya katatag. E yung mga bago mo? Wala! Marupok! napabayaan mo lang ng saglit, e nahulog,ayun wasak yung screen. Iyak ka nalang po.
Dabest talaga yung iPonEx. Napatunayan nya lang na sa buhay di mo kailangan makipagsabayan sa kung ano ang uso. Makakahanap ka ng dahilan para mahalin and isang bagay na ‘di man ganun kahalaga sa iba, kaya ka pasayahin sa kung ano sya.
Ang pagsulat ay bahagi ng araw-araw ng mga tao, lalo na nating mga mag-aaral. Tinuruan tayo kung paano magsulat ng ating mga pangalan mula pagkabata, at sa ating pagtanda ay natututo pa tayong magsulat ng mas marami pang mga salita hanggang sa nakakagawa na tayo ng kanya-kanya nating mga obra maestra – maaaring mga tula, awitin, sanaysay, maikling kwento, at maraming pang iba. Subalit, ang sining na natutunan kong mahalin, ay hindi ang mga unang nabanggit. Sa pagkuha ko ng panulat at papel, ay hindi mahahabang talata o kung anu-anong babasahin ang aking ninanais gawin, kundi isa na namang obra maestra na nagmula mismo sa bawat titik na aking iguguhit, pagagandahin, at bibigyan ng buhay.
Hindi ko matiyak kung kailan ako nagsimula, ngunit naaalala ko kung kailan ko tuluyang natutunang mahalin ang sining na ito, na tinatawag na lettering sa Ingles. Enero 2016, nagdesisyon akong mag-post sa aking Instagram ng larawan ng pangalan ko na may arte sa pagkakasulat.
— Enero 8, 2016.
Ngayong nakikita ko muli ang larawang ito, naiisip ko na hindi pala kagandahan ang aking nagawa noon, ngunit hindi ko ito kinakahiya, dahil lahat naman tayo’y nagsisimulang hindi pa magaling, at dito sa larawang ito naman ako nagsimula.
Ang aking mga inspirasyon
Mas natutunan ko pang mahalin ang lettering, at patuloy itong ineensayo dahil sa aking mga naging inspirasyon. Ang iba rito ay sina Abbey Sy (@abbeysy), Ora Orawan Siripin (@oraarts), Stefan Kunz (@stefankunz), June Digan (@junedigann), Rbin Binuya (@mydoodlebin), Mye De Leon (@myedeleon) at marami pang iba.
Sa bawat larawan ng kanilang mga likhang sining na naibabahagi sa mundo, dahil sa social media tulad ng Instagram, ay marami silang napapabilib at nabibigyan ng inspirasyon.
Si Abbey Sy, ang isa sa mga pinakauna at pinakamalaking inspirasyon ko sa sining ng lettering. Sa tulong ng aking mga kaibigan at mga kapamilya, ay nagkaroon ako ng kopya ng kanyang mga libro at iba’t-iba pang produktong kanyang ginawa.
Ang “The ABCs of Hand Lettering” ay ang pinakaunang libro ni Abbey Sy
Mas tumibay ang pag-iidolo ko kay Abbey Sy noong nakita ko siya sa personal, Disyembre 18 taong 2016. Pumunta siya sa SM North Edsa para sa isang live-demo kung paano niya ginagawa ang kanyang lettering. Dala ko ang kopya ko ng kanyang libro, at ang isa kong artwork kung saan nakasulat ay isa sa kanyang mga mensahe. Nagpakuha ako ng litrato kasama siya, at humingi ako ng autograph para sa mga gamit na aking dala. Isa iyon sa mga pinakamasayang pangyayari sa buhay ko magmula nang natuto akong mahalin ang sining na ito. At, ang sinulat naman ni Abbey Sy na “Keep it up!” o “Ipagpatuloy mo!” sa aking dalang artwork ay isang mensahe na nagtatak sa aking puso, at naging inspirasyon ko para magpatuloy pa sa sining na ito.
Sa Kasalukuyan
Sa ngayon ay patuloy akong nag-eensayo at natututo nang iba’t iba pang paraan upang kunin ang mga simpleng salita o parirala at gawin itong mga likha ng sining. Sa mahigit tatlong taon ko, ay marami na rin akong nagawang mga artwork na naibahagi sa mundo sa tulong ng iba’t ibang mga social media.
Ang aking kakayahan sa lettering ay nagagamit ko sa aking pag-aaral, kung saan ay dinidisenyuhan ko ang aking mga tala sa kwaderno upang mas naeengganyo akong mag-aral.
Ang aking kakayahan ay naging isang malikhaing paraan din ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
— Hunyo 12, 2018
Sa karagdagan, isa sa mga pinakapinagmamalaki kong pangyayari dito sa aking paglalakbay ay noong nanalo ako sa isang kompetisyon, at nakatanggap ako ng gantimpalang mga isang kahon ng mga kwaderno, sketchbooks, at iba pa.
Ang aking pinasang artwork para sa kompetisyon — Hunyo 20, 2018
Kahit papaano ay nagagamit ko rin ang kakayahan ko sa sining na ito upang magkaroon ng kaunting kita bilang pandagdag sa aking baon o kaya’t pambili ng mga bagong mga gamit na mas makatutulong sa aking paghusay sa lettering.
Ang mga larawan sa ibaba ay ilan sa mga nadisenyuhan kong mga kwaderno na napagawa at binili saakin.
Sa ngayon ay may mga tao nang sumusuporta sa akin at sa aking mga nagagawa, at malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Dahil ang sining o visual arts ay sadyang ginawa upang ipakita at ibahagi para sa mata ng nakararami, ang pagkakaroon ng mga taong sumusuporta sa iyong likha ay isang napakalaking inspirasyon upang patuloy na lumikha atlalo pang humusay.
Ang lettering, para sa akin, ay hindi isang talento kundi isang kakayahan o skill. Maaaring hindi lahat ay ipinanganak na may talento sa sining, ngunit kapag mayroong tamang pag-ensayo, suporta, at wastong dedikasyon at tunay na pagmamahal sa kung ano ang iyong ginagawa, ay nasa tamang landas ka na tungo sa kahusayan at tagumpay — isang mahabang paglalakbay na ngayon ako’y tumatahak habang tinatamasa at isinasapuso ang bawat aral at bawat sandali.
Gallery
Narito ay ilan pa sa mga paborito kong mga nagawang likha ng sining.
Sa aking pag gising ng maaga sa relos na may alarma ng 4:30 ay kakailanganin ko na agad pag isipan ang aking gagawin sa mga susunod na oras. Sa aking pag iisip ay ako ay makakatulog muli hanggang sa ako ay muling magising ng sigaw ng aking Nanay sa paghahanda sa aking pagpasok sa eskwelahan.
Ako ay tatayo mula sa aking higaan at aayusin ito habang nasa proseso ng pag gising sa aking pinsan na kakailanganin rin ng malakas na kuyog upang magising mula sa kanyang kinahihimlayan. Ako at ang aking nakababatang pinsan ay uupo sa lamesa habang naghihintay ng pagkain. Ako, na nag tetelepono habang nagbabasa ng mga libro sa internet at ang aking pinsan naman na kinukutkot pa ang ilong upang maabot ang dumi na kailangang alisin sa umaga. Dadating ang pagkain at kami ng aking pinsan ay kakain ng madalian upang mapaaga rin sa paglakbay papunta sa aming mga responsibilidad ng pag-aaral bilang bata. Pakatapos kumain ay mauunang maligo ang aking pinsan habang patuloy ang aking pagbasa at paghahanap ng aking tuwalya. Pakatapos ng aking pinsan ay ako ay papasok na sa aking personal na mumunting palikuran.
Sa loob ay hindi ako agad magsisimulang magbuhos ng tubig sa aking katawan dahil sa lamig ng tubig at dahil na rin sa lugar na ito ako mahilig mag isip-isip sa maraming bagay, kasama na ang aking kailangang gawin sa eskwelahan at mga gusto kong gawin pakatapos nito. Ilang minuto pa ay magsisimula na akong maligo, magdadamit, magsisipilyo, magaayos ng bag, maglilinis at magsusuot ng sapatos, at lalabas ng bahay upang harapin ang araw ng maayos at handa.
Sa aking pag lakad papuntang terminal ng dyip ay aking madadaanan ang matagal ko ng ginagamit na daan. Ako ay titingin sa aking harapan habang naglalakad ng may bilang. Ako ay minsang titingin sa gilid at sa likuran upang siguraduhing ang aking dinaraanan ay ligtas. Itutuloy ko ang aking lakad hanggang sa ako ay makaabot sa aking unang sasakayan. Ako ay aakyat ng dyip at uupo sa aking gustong maupuan. Kukunin ko ang barya sa aking bulsa at magbabayad ng maaga para hindi na magambala sa biyahe.
Aking babasahin ang libro saaking telepono habang naghihintay na mapuno ang sinasakayan ko at magsimula ang biyahe papunta sa pinapasukan ko. Makaraan ang ilang minuto ay nasa PSU na ako ng Goa. Bababa sa dyip at pupunta sa isang kanto para maghintay ng traysikel habang tinatanong muli ang sarili ko kung ano ang gagawin para sa araw na ito. Mayamaya pa ay may traysikel ng pipigil para tanungin ako ng “Pisay?” at kung minsan naman ay “Magkano bayad mo?”. Sasagutin ko ang tagamaneho ng maayos depende sa tanong niya. Sasakay ako at ihahanda ang aking bayad bago makarating sa eskwelahan.
Pakarating sa eskwelahan ay magbabayad at magpapasalamat ako sa tagamaneho. Maglilista sa “EXTERNS” na logbook at maglalakad papunta sa aking silid-aralan kung saan ko makikita ang aking mga kaibigan at ang pinakamamahal kong upuan.
Ako ay uupo, mag aayos ng gamit at maghihintay na magsimula ang klase. Pakatapos ay kakain ako ng tanghalian ng mag-isa. Babalik sa silid at magsisimula na ang ikalawang parte ng klase. Pagkalipas ng alas tres ay matatapos ang klase at may oras na kami para gumawa ng mga kung ano ang kailangan naming gawin para bukas at mamayang gabi. Sa pagsapit ng alas kwatro-imedya ay makakuwi na kami ng mga kaibigan ko sa aming mga bahay na malayo-layo pa. Magsisimula muli ang aking biyahe pauwi ng masaya. Bababa sa simbahan ng aming parokya at maglalakad na naman pauwi ng aming mumunting bahay.
Pipigil sa harap ng aming pintuan, aalisin ang sapatos, at papasok habang hinahanap ang aking nanay para magbigay ng mano. Kadalasan ay wala siya sa pag dating ko dahil hindi pa siya tapos sa kanyang trabaho kaya inaayos ko na muna ang aking mga gamit at aking sarili para maghanda na sa hapunan. Magbabasa ako ng libro habang naghihintay sa pagkain kasama ng pinsan ko. Kakain, maninipilyo, hihiga at tutulog para sa susunod na araw kung saan uulitin ko na naman ang nakakasawa ngunit masayang gawain pag-gising ko ng maaga, pagod at nakatunganga.
Ang buhay ay walang saysay, walang kahulugan, at walang kwenta. Nakadepende na lang ito sa atin kung paano natin ito gugugulin – pagiging masaya at pagkakaroon ng direksyon o pagiging walang kwenta gaya ng buhay na walang kahulugan. Sa tulong ng aking mga magulang at mga taong nakapaligid sa akin ay natutunan ko ang anim na importanteng bagay para sa mas magandang buhay.
Bilang isang Pisay scholar na inaasahan maging tagapanguna sa kaunlaran ng ating bansa, maraming oportunidad ang nakaabang pagkatapos ng pag-aaral. At sa kabila ng mga oportunidad na ito ay marami ring mga handang humadlang sa tagumpay na maaari nating makamit. Ang lundo buhat sa mga gawain sa paaralan, pera, mga relasyon ay isa sa mga hadlang dahil nagdudulot ito ng kalungkutan at pagod na hindi inaasahan. Isa pang problemang nahaharap sa amin ay ang mga inaasahan mula sa amin gaya ng matataas na marka sa mga asignatura at ang pagiging kasama sa Director’s List. Ang dalawang ito ay dalawa lamang sa mga problemang hinaharap namin araw-araw. Ang mga sumusunod ang aking gabay sa pamumuhay nang maluwalhati bilang isang iskolar, anak, kaibigan, at kapatid.
Magkaroon ng direksyon sa buhay
Araw-araw, halos walang pagbabago at paulit-ulit lamang ang ating ginagawa. Matapos ang isang nakakapagod na araw, maiisip mo na parang may mali. Sa pamamagitan ng pagtakda ng mga layunin at hangarin sa buhay magkakaroon ka ng gabay sa mga ginagawa mo. Bukod pa rito, dapat tumigil sa pag-iisip nang sobra-sobra dahil nagdadala ito ng lundo na hinahadlangan tayong makamit ang ating mga hangad sa buhay. At ang pinakaimportante ay ang paniniwala sa sarili dahil ang ating sarili lamang ang ating katuwang sa mga ginagawa natin. Maaaring may ibang tao na tumutulong sa atin pero tayo pa rin sa huli ang nagtatakda sa mga mangyayari sa atin.
Gawin ang mga bagay na mahal mo at nagpapasaya sa iyo
Ang pinakaimportante sa lahat ay gawin natin ang mga bagay na mahal natin at nagpapasaya sa atin dahil sa pamamagitan nito, hindi tayo mababagot at patuloy tayong gaganahan gawin ang mga bagay na ginagawa natin. Maaaring napakaraming mga gawin sa eskwelahan pero hindi dapat nito mahadlangan ang ating kasiyahan. Dapat laging inuuna ang kasiyahan tuwing may pagkakataon dahil ang mga pagkakataon ay maaaring hindi na maulit pa.
Manatiling may motibasyon
Pagkagising sa dormitoryo nang alas-sais, ayaw ko pa bumangon. Marahil ay dahil wala akong gana o wala akong inaabangan sa araw na ito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng motibasyon, gaganahan kang bumangon at harapin ang panibagong araw. Maaaring gusto mo makita ang iyong hinahangaan, maglaro pagkatapos ng klase, o nais mong may bagong matutunan sa iyong mga guro. Tayo ay may iba’t ibang kagusuhan at interes at nararapat nating gamitin ang mga interes na ito sa ating pansariling benepisyo gaya ng pagiging motibasyon nito.
Relasyon sa pamilya at sa mga kaibigan
Sa isang linggo sa Pisay, tayo ay napapalibutan ng iba’t ibang tao na may iba’t ibang mga ugali. Kailangan nating palibutan ang ating mga sarili ng mga kaibigang katulad natin ng ugali at mga interes dahil sa pamamagitan nito, sama-sama kayong magtutulungan para umunlad. Ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa mga kaibigan ay hindi lamang nakatutulong sa tuwing naghihirap tayo kundi nariyan din sila para samahan kang maging masaya at harapin ang mga problema sa buhay.
Pagkatapos ng napakahabang linggo ay panahon na para umuwi sa kani-kaniyang mga bahay para kitain ang sari-sariling mga pamilya. Ang ating pamilya ang pundasyon ng lahat dahil sa kahit anong mangyari, sila ang nandiyan para sa iyo. Tuwing umuuwi, sinusulit ko ang mga oras ko sa bahay dahil napakaikling panahon lang sa isang linggo ako naririto.
Maliban sa mga kapamilya at mga kaibigan natin ay dapat natin panatilihing maganda ang relasyon natin at ng mga taong nasa paligid natin. Tuwing may ginagawang pabor sa atin ang ibang tao, gaano man kaliit ito, ay napakadaling magsabi ng, “salamat”. Ang simpleng salamat ay sapat na para mabuo ang araw ng isang tao.
Hanapin ang kasiyahan sa maliliit na bagay
Ang maliliit na bagay na kadalasang hindi na napapansin ay kadalasang nagbibigay sa atin ng mas matinding kasiyahan. Hindi natin napapansin dahil nakatuon na ang pansin natin sa mas malalaking bagay na hindi natin napapansin na ang maliliit na bagay ay hindi na natin nabibigyang-halaga gaya ng mga pag-uusap tuwing kumakain kasama ang mga kaibigan at pamilya, Linggo nang umaga tuwing nag-uumagahan kayo ng pamilya niyo at may masarap na kape, o kahit yung simpleng yakap mula sa taong mahal mo. Dahil sa sobrang dami ng mga gawain sa eskwelahan, nakakalimutan na natin ito kaya mas mabuting paunti-unti nating pansinin ang mga ito dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lang natin magagawa ang mga ito kasama ang mga taong mahal natin.
Magnilay bago matulog
Isa pa sa mga importanteng gawain ay ang magnilay bago matulog. Tanungin mo ang sarili mo kung may pagkukulang ka ba at kung anong maaari mong gawin para mabago ang sarili para sa iyong nakabubuti. Tanungin mo kung nagpasalamat ka na ba sa lahat ng gumawa sa iyo ng kabutihan o kung humingi ka ba ng tawad sa nagawan mo ng sala. Ang pagninilay ay importante para tulungan ang sariling magbago para sa ikabubuti.
Ang buhay ay walang saysay, walang kahulugan, at walang kwenta. Nakabahala na ito sa atin kung paano ito magiging may saysay, puno ng kahulugan, at maging kapakipakinabang.
Tanda mo ba ang huli mong ligo sa dagat, ang huling paglalakad sa kagubatan o ang huli mong pagtingala sa mga tala? Anong pakiramdam? Siguro, nakagagaan sa pakiramdam o kaya mapayapa. Ganun talaga ang kalikasan – mahiwaga. Sa modernong panahon, tila nalalayo na tayo sa kalikasan, ngunit nakakaramdam pa rin tayo ng pananabik na makitang muli ang kalikasan at kapag nakaramdam tayo ng ganitong pangungulila, nandyan siya at tatanggapin tayo nang malugod.
Sa pag-unlad ng iba’t ibang lugar, naging malayo ang loob natin sa kalikasan. Naninirahan na tayo sa mga modernong bahay na gawa sa mga materyales na dumaan sa proseso. Hindi na tayo naghahanap ng mga lugar na mapagliliguan at hindi na rin natin kailangang maghanap ng malinis na tubig na maiinom. Isang pang halimbawa ang pagbaba ng mga taong nagtatanim dahil ang mga produktong ito ay nabibili naman sa tindahan. Marahil ang dahilang madali ngunit ito rin mismo ang rason kung bakit tayo ay nalalayo sa kalikasan.
Pinaniniwalaang ang paggugol ng oras sa kalikasan ay nakatutulong sa malusog na pangangatawan at magaan na pag-iisip. Ayon sa ilang pag-aaral ang isang oras na pananatili sa kalikasan ay nakatutulong sa memory, attention span at creativity ng isang tao. Ito rin ay nakatutulong sa pagbaba ng stress level at pagpapabilis ng pagpapagaling sa sakit. Ito ang ginagawa ng ilang ospital iba’t ibang bansa. Ang kanilang pasyente ay naglalakad sa mga parke bilang parte ng kanilang recovery. Ang kalikasan din ay may kakayahang mag-udyok ng pisakal na gawain na tumutulong para sa mood at self esteem ng tao. Ito rin ay sinasabing nakatutulong sa pagdedesisiyon at nagbibigay ng magagadang ideya sa tao. Bukod pa rito, ang kahalagahan ng pakikiisa sa kalikasan ay dapat naiintidihan simula pagkabata pa lamang upang ang mga ito ay lumaking may malasakit sa kalikasan, alam ang masustansiya at tamang pagkain at higit sa lahat maransan at makita ang magagandang tanawing handog ng mundo.
Narito ang ilang simpleng paraan para makiisa muli sa kalikasan:
Mamili sa palengke
Hindi sa supermarket sa mga mall. Ito ay isa sa mga simpleng paraan para makiisa sa kalikasan. Makabibili ka ng mga produktong masustansiya at sariwa sa palengke. Ito makatutulong ka sa mga magsasakang direkta mong nabibilhan ng mga ito. Bukod pa rito, ang pakikipag-usap sa iba’t ibang tao ay isang paraan para makapag-isip. Ito rin ay isang paraan para maunwaan natin ang kalagayan ng mga magsasaka natin ngayon sa modernong pamumuhay.
Maglakad ng nakayapak
Ang paglalakad ng nakayapak ay isa rin sa mga simpleng gawain na maaring subukan. Ang pagtanggal ng saplot sa paa ay isang paraan para magkaroon ng koneksyon sa kalikasan. Mas mainim itong gawin sa mabatong lupa o kaya naman ay sa dalampasigan o mabuhanging lugar. Ang init ng bato at buhangin ay isang paraang pangpakalma sa katawan
Magtanim
Ang pagtatanim o pag-aalaga ng halaman ay maaaring mahirap na gawain ngunit ito rin ay paraan para maging parte muli ng kalikasan. Maaaring ito ay halamang mapagkukunan ng produkto o kaya naman ay “pet plant”. Anumang uri ng halaman lalo na ang mga puno ay sinasabing nakatatanggal ng negativity sa buhay ng tao.
Stargazing
Isang halimbawa rin ng libangan na maaring gawin sa kalikasan ay ang stargazing. Ito ay maaaring isang simpleng pagtingala at pagpapahinga sa ilalim ng kalawakan kasama ang mga tala at buwan.
Hike / Trek
Ang pagpunta o paglalakad sa kagubatan o bundok ay isang paraan para makita ang iba’t ibang tanawin sa kalikasan. Ito ay hidi madaling gawain ngunit it ay isang paraan para malayo sa magulong buhay sa siyudad. Ang halimuyak ng mga puno, agos ng tubig at huni ng mga ibon at insekto ay nagdudulot ng pagkalma sa katawan.
Lumangoy
Ang paglangoy ay isa pang pisikal na gawain kasama ang kalikasan. Ito naman ay ang pakikiisa sa mga lugar na binubuo ng anyong tubig. Marami ang maaaring maranasan sa malawak at malalim na karagatan.
Marami pang mga bagay ang maaaring gawin sa kalikasan. Maraming pang bagay ang hindi lubos na nauunawan dito. Tunay ngang mahiwaga ang kalikasan. Ngunit marami pang paraan para maranasan, maunawaan at makiisa sa kalikasan.
Alam mo kapag minsan ay wala ka nang magawa sa buhay mo o kaya ay gusto mong gumawa ng bago sa labas ng kahon. Kaya magsubok ka ng mga aktbidad na pinapalawak ang kaalaman at kakayahan mo habang ikaw ay nagsasaya sa mga bagong karanasang iyo at sa parehong oras ay magmumukha ka pang suave. Siyempre kasi kapag alam mo na ang mga bagay na yan, gusto mong ipakita ito sa buong mundo. Pwede mong ilagay ito sa description mo sa facebook, biograpiya mo sa twitter o instagram. Hintayin mo lang, maraming babae o mga tao ang mag-ddm (direct message) sa’yo.
Magsimula tayo sa madali. Ang una ay ang PAGTAKBO.
Bakit hindi ka magsubok mag-ensayo para sa marathon o kaya’y sa Color Fun Run ng iyong paaralan? Ang pagtakbo ay masaya at magandang actibidad para maging malusog at malakas ang iyong pangagatawan. Puwede mo itong gawin araw-araw kapag madaling araw o kaya’y sa hapon para hindi ka mainitan. Makikita mo na lamang ang pagbabago sa paglipas ng oras, ikaw ay mas magmumukhang maayos at gaganda pa ang katawan mo. Inirerekomenda ko ito para sa lahat ng tao lalo na sa mga taong hindi masyadong nakakagawa gaano ng anumang pisikal na actibidad. Ang pageensayo para sa marathon at sa kung ano pa mang takbuhan ay magandang panimula para sa magandang pamumuhay.
Ito ang larawan namin ni Niña Aquitania. Dahil sa aking pageensayo ay ako ang nanalong champion overall at champion sa Men’s divion para sa Color Fun Run 2018. Si Niña naman ang nanalo sa women’s division.
Kabuntot ng pagtakbo ay ang number two, PAGBUBUHAT (Weightlifting).
Kapag pumunta ka na sa gym at nagsimula mag-workout ay hindi ka ulit titingin sa likod. Ang confidence mo ay aabot sa ibang lebel. ‘Di ko ito maexplain nang mabuti unless maexperience mo ito sa sarili mo.
Ako’y buto’t balat lamang dati, walang confidence. Ngunit nang magsimula ako mag-workout at nakita ko ang sarili kong unti-unting nagbago ay para bang lumagpas langit ito.
Maraming paraan para magworkout. Puwede ngang gawin ito kapag mag-jogging ka sa papuntang gym. Ngunit hindi lang sa gym puwede magworkout, sa parke at sa bahay ay puwede rin.
Ito ako ngayon gumagawa ng “Elbow Lever”, isang eksibisyon sa calisthenics. Dahil sa pagbubuhat ay mas nakakaya ko na ang bigat ng aking katawan. Sa personal, mas gusto ko ang pag-workout gamit ang bigat ng katawan (calisthenics) kaysa sa pagbuhat ng mga bigat sapagkat mas kontrolado ang workout gamit ang bigat ng katawan at puwede mo itong gawin kahit saan.
Ang pangatlong bagay na magandang gawin ay MMA, MARTIAL ARTS o kahit anumang PANGLABAN.
Sa bagay na ito, hindi ka lamang magiging fit sa pisikal at magiging masaya kundi makakapagbigay ka ng mensahe sa tao na hindi ka lampa at kaya mong depensahan sarili mo sa masama. Yang bagay na yan, na kung magiging libangan mo pa, ay ipaparamdam sa babae ang sense ng kaligtasan.
Ang pang-apat ay…. Pagluluto.
Wala nang mas gaganda pa sa pagsira ng pamantayan ng kasarian ng machismo. Ito ay pagbabago na lalaki ang magluluto para sa babae.
Pang-lima ay PAGTUGTOG ng INSTRUMENTO.
Hindi lamang ikaw ang bibigyan nito ng kasiyahan kundi pati na rin ang mga tao sa paligid mo. Isipin mo lahat ng paghaharanang gagawin mo sa babaeng kasama mo, magiging masaya ang babae sa isip pa lamang na hindi mo sinayang ang pagbibinata mo kalalaro lamang ng Mobile Legends.
Ang pang-anim ay PAGMAMANEHO.
Ito ang bagay na magagamit mo sa pagtanda mo. Isipin mong nasa malayo kayo at nasa bakasyon, wala nang ibang dala ang mga kasama kundi ang motor, bike at kotse nila, pa’no mo ihahatid ang minamahal mo kung saan man kapag lahat ng kasama mo ay busy? Buti na lamang ay marunong ka magmaneho. Sasakay ka malaking motorsiklo o kaya sa kotse mo na ferrari, sabay sabi “HOP IN, GAL 😉”.
Ang pang-pito ay pagiging MARKSMAN.
Ang pagbabaril at pagiging marksman, hindi lamang sobrang saya pero puno ito ng konsentrasyon at pagpopokus.
Ang pang-walo ay PAGLALAKBAY.
Ito ay mahal kung gagawin ngunit kung meron kang paraan at oras para maglakbay, bakit hindi? Ang paglalakbay ay bibigyan ka ng karanasan at mga kuwento na gagawin kang kawili-wiling lalaki.
Ang pang-siyam ay karunungan sa kahit isang ISPORT.
Kung hindi mo alam aling isport ang gusto mo, subukin mo lahat. Hinding-hindi mo malalan ang nakatago mong talento kung hindi ka susubok. Tandaan ko rin na kahit anong pisikal na aktibidad ay mas rumarami ang paggawa ng katawan natin ng testorene na nagpapalusog at nagpapalakas sa atin. Sa pamamagitan din ng isport ay nagigi tayong malaya sa stress.
Ang huling bagay ay PAGKUHA NG MAGAGANDANG LARAWAN.
Sa pagkuha ng sandali gamit ang lens ng kamera ay isang masterpiece. Kailangan dito ng kasanayan at maraming practice.
Mga ADDITIONAL:
1) Paghahardinero
Ang pag-aalaga ng mga halaman ay parang pag-aalaga na rin sa mga bata. Kung sa halaman pa lang ay bagsak ka na, sa kanya pa kaya?
2) Pagbubuhat ng water jug
Para hindi mauhaw, magdala ka na lamang ng water jug parati. Kapag walang tubig, walang buhay.
3) Pagbabasa ng libro at Pag-aaral
Kung may libre kang oras ay magandang mag-aral at magbasa ka na lamang ng libro. Pumunta ka sa isang lugar na makakapag-pokus ka tulad sa silid-aklatan. Sa pagbabasa’t pag-aaral ay mas marami kang matutunan.
4) Pag-aalaga sa mga bata at sa mga aso
Kapag ikaw ay marunong mag-alaga ng bata at aso, ay malalaman niyang kaya mo rin siyang alagaan. Ano pa hinihintay mo? Maghanap ka na ng bata o kaya’Y bumili ka na ng aso.
Hilig ko talaga maglaro sa labas kahit noong aking kabataan. Kaya naman nang ako’y makatungtong ng elementarya ay kahit anong klaseng laro ang aking sinasalihan. Football, sepak takraw, volleyball at kung anu-ano pa pero hindi ko talaga inakala na sa tennis pala ako mahuhumaling.
Ang tennis ay isang klase ng palakasan na nilalaro ng dalawa hangang apat na tao pwedeng Singles o kaya naman ay Doubles. Ang layunin ng larong ito ay hampasin ang bola gamit ang raketa para mapapunta sa kalaban . Simple man ang larong ito sa inyong paningin pero gayunpaman ang mga pinagdaanan ko upang maging ganap na manlalaro ay hindi biro.
Ako’y nasa ikaapat na baitaing nang ako ay nakasali sa Tennis Club ng aming paaralan. Noong una talaga ay hindi ko alam ang aking ginagawa. Ang tennis pala ay isang laro na kailangan ng striktong patnugot at gabay para matutunan. Dahil ang larong ito ay napakamapanghamon ito’y pinagpatuloy ko.
Ikaapat na Baitang , Pagsisimula sa Tennis. Masbate City
Sa aking pagpupursige ay napili ako bilang kinatawan ng Masbate City para sa Panrehiyonal na Palakas or Palarong Bikol sa Lawn Tennis na ginanap sa Virac, Catanduanes sa taong 2013. Natalo man agad ako sa unang laban ay marami pa rin naman akong natutunan. Kaya nadagdagan ang aking determinasyon upang mas gumaling at bumalik muli sa sumunod na taon.
Para makamit ko ang aking layunin, ako’y nagtatraining maghapon sa ilalim ng matirik na araw sa loob isang buwan.
Kita nga sa mga larawan ang bakas ng hirap sa training at mga sugat dulot ng mga hindi inaasahang nangyari.
Pebrero ng taong 2014, ako ay sumabak muli sa Palarong Bikol na sa Catanduanes din ginanap. Hindi ko man nakamit ang kahit anong parangal ako’y masaya dahil ginawa ko ang lahat ng aking makakaya.
2018, Biglang lumahok ang Pisay Bikol sa mga paligsaan sa palakasan sa unang pagkakataon, biglaan din ako sinabihan na maglalaro raw ako para kumatawan naman sa Pisay Bikol para sa Goa District Friendly Meet. Una ay kaba at pagkalito ang aking nadama ngunit napagtanto ko na ito pala ay isang pagkakataon para maipakita ko ang kakayahan ko bilang isang atleta. Kaya sinikap kong magtraining upang gumaling.
Tuloy-tuloy ang aking pagkapanalo hangang sa semi-final ng Palarong Panlalawigan o Palarong Cam Sur. Hindi man ako nakaangat sa paligsaan gamit ang aking abilidad, ipinamulat naman sa akin ang maraming kaalaman at mga alaalang hindi makakalimutan.
Tulad ng ibang bagay ang larong ito ay nagturo sa akin na sa pagsisikap at determinasyon maari nating makamit ang ating mga pangarap.
Nagsimula ang lahat sa pagkahilig ko sa sapatos. Bawat tatak, bawat uri – lahat ay sinimulan kong kolektahin. Isinasantabi ko ang ilang bahagi ng bawat baon na ibinibigay sa akin noon upang makapag-ipon at makabili muli ng bagong pares. Dumami nang dumami ang mga sapatos na aking nabibili dahil lamang sa pagkahilig at umabot na sa puntong hindi ko na maisuot ang iba kaya’t nanatili na lamang ang mga itong nakatago sa kani-kanilang mga kahon. Dahil doon, pansamantala akong tumigil sa pangongolekta. Ngunit hindi ko inaasahan na ang pagtigil ko sa aking kinasanayan ang siyang pagsibol ng panibagong kinahihiligan. Nagsimula naman akong bumili ng mga bagong damit dahil naniniwala ako na maisusuot ko ang mga ito gamit ang iba’t ibang sapatos na mayroon ako. Gaya ng pagkahilig ko sa mga sapatos, dumami rin ang aking mga damit ngunit ang tanging pagbabago lamang ay hindi ako nasayangan o nagsawa ngayon dahil kahit ano pang dami ng mga damit na aking nabibili ay nagagamit ko pa rin ang mga ito sa samu’t saring okasyon. Madalas sa aking pinapaayos ang loob ng aking aparador dahil sa dami ng aking mga damit. Nakakapagod man isipin ngunit sa tuwing ako’y nagliligpit ng aking mga damit ay nalilibang ako dahil bago ko tupiin o isabit sa lalagyan ay isinusuot ko muna ang mga ito kaya’t nakadidiskubre ako ng mga bagong magkakatugmang pares na maaaring magamit sa mga susunod na okasyon. Hindi naman kailangan na bago lagi ang kasuotan na gagamitin sa mga pagdiriwang, kailangan lamang ng malawak na imahinasyon at pagiging malikhain sa pagpapares. Ang noon na libangan lamang para sa akin ay kinagiliwan at naging interes ko na. Hindi ko man inaasahan, samu’t saring papuri ang aking natatanggap dahil sa aking malikhaing pananamit kung kaya’t mas nahikayat ako na ipagpatuloy ang aking kinahiligan.
Mga papuring aking natanggap mula kina Karen Abella, Nadine Sabio, Angela Sarcon, at Jepsy Babia
Lingid man sa kaalaman ng nakararami, pinagpaplanuhan at pinag-iisipan ko ang aking mga kasuotan sa bawat pagdiriwang na aking dinadaluhan hindi dahil sa mga papuring maaari kong matanggap kundi dahil nais ko lamang na madagdagan ang aking kumpyansa sa sarili. At nais kong sa pamamagitan din ng pananamit, tumaas din ang lakas ng inyong mga loob, aking mga mambabasa, at gumamit ng mga kasuotan nang naayon sa moda. Kaya ngayon, ipapasilip ko sa inyo ang lugar kung saan nangyayari ang mahika, aking damitan o wardrobe, kasabay na rin ng aking kaunting kaalaman tungkol sa moda o fashion.
Mga Payo:
Maging malikhain.
Hindi kailangang gumastos nang gumastos para lamang makapagdamit nang naaayon sa uso. Hindi kinakailangang laging bago ang kasuotan, ugaliin lamang ang pagbisita sa sariling aparador at suriin kung aling mga damit ang maaari pang maisuot o mapares sa iba upang magamit muli. Laging tandaan na ang pagiging malikhain at maparaan ang puhunan sa mundo ng moda.
Ang aking pinaglakihang pulang bestida ay nagamit kong muli sa paraan na hindi ko iisipin ang kaiksian nito sa akin
Wag mabubulag sa presyo.
Bilhin dahil kailangan, hindi dahil mura. Maraming nabibiktima ng “impulsive shopping” dahil sa karatulang sale. Minsan, dahil sa pagbaba ng presyo ay biglaang napapabili ng mga bagay na walang kasiguraduhan o hindi naman magagamit kaya’t napapagastos lamang para sa wala. Kung mura lang naman ang hanap, bakit hindi subukan ang pag-uukay? Kalakip ang tamang pagpili at pagsuri ng kasuotan, ang mga ukay na tigbebente ay posibleng maging mas mamahalin pang tingnan kaysa damit na may halagang higit pang isang libong. Itatak sa isip na hindi sa presyo makikita ang tunay na kagandahan ng isang kasuotan.
Lahat nang yan maliban sa aking mga sapin sa paa ay galing sa ukay at nabili ko sa mababang presyo lamang
Pag-aari ng maong ay isang pangunahing pangangailangan.
Ano pa ang kagamitan ng denim fever kung walang ni isang pag-aaring maong na damit? Maong na pantalon, maong na shorts o maong na palda pa iyan, lahat maaaring magamit sa iba’t ibang okasyon. Kaya nararapat lamang na magkaroon ng maong na pambaba na bumabagay sa maraming uri ng damit pantaas.
Parehong damit na pantaas at sapatos ngunit may pagkakaiba sa uri ng maong na pambaba ay nagbibigay ng ibang impresyon
Piliing maiba.
Walang masama na sumunod sa uso o lumagay sa pangkaraniwang kasuotan ngunit kung fashion wise, piliing maging kakaiba. Huwag bakuran ang sarili at manatili sa kinasanayan, hindi lamang para makapukaw ng atensyon, kundi para masubukan din ang ibang istilo na naghihintay lamang na matuklasan mo at maaari ding bumagay sa iyo, maliban sa inyong kinasanayan.
Parehas maaring suotin sa mga pormal na okasyon ngunit mas nangingibabaw ang isa, sa rason na ito’y hindi pangkaraniwan
Tuwing tag-ulan.
Hindi sapat na rason ang malamig na klima para hindi makapagsuot ng damit na sunod sa moda. Kung maaari ay maglaan din ng pera pambili ng mga kasuotan na maaring magamit tuwing taglamig. Hindi naman kailangan na umulan ng niyebe upang magamit ang mga ito, dahil ang tag-ulan ay ang perpektong pagkakataon upang mga winter outift ay magamit din.
Mga maaring suotin tuwing taglamig maliban sa pangkaraniwang sweter
Tuwing tag-araw.
Ito naman ang mainam na pagkakataon upang maisuot ang mga maiikiling shorts at mga damit na walang manggas upang maiwasan ang malagkit at rumaragasang pawis sa inyong katawan. Sa panahon ding to maaaring suotin ang mga naggagandahang damit panligo. Huwag lamang mamalagi sa pangkariwang rash guard, oras na para magpakita ng kaunting balat at ipagmalaki ang inyong mga kutis!
Isa sa mga maaaring suotin bukod sa pangkaraniwang rash guard na panligo
Aktibong pamumuhay.
Karagdagan lamang ito, kung kayo rin ay nag-eehersisyo tulad ko ay maipapayo ko na ang kasuotan na inyong pipiliin ay ang damit kung saan pinaka-makakagalaw at pinaka-komportable kayo upang hindi mahirapan sa inyong mga kilos at sa mga ipapagawa o nais gawin. Piliin ang mga damit na presko at naayon sa mga pang-aktibong gawain.
Ang aking suot tuwing ako ay mag-eehersisyo sa gym para sa aking SCALE
Mahika dulot ng mga palamuti.
Sa bawat tanong na kung ano pa nga ba ang kulang, aksersorya o palamuti ang kasagutan. Ito ang nakabubuo sa bawat kulang, kinakailangan lamang na maging maingat o mapanuri sa pagpili ng babagay sa kasuotan. Sa pamamagitan ng pagsuot nito, lumilitaw ang pagkakaiba maging sa mga pinakasimpleng damit. Kaya nararapat lamang na maglaan din ng pera para sa mga munting katulong na ito na makabibigay ng malaking pagbabago sa pangkabuuang kaanyuan ng ating pananamit.
Kwintas at salaming pang-araw ang halimbawa ng aksesoryang maaaring bilhin
Hindi lahat ng damit ay may bulsa.
Ugaliing bumili ng mga bag na pwedeng magamit sa iba’t ibang okasyon. Hindi lahat ng damit ay may bulsa at hindi rin naman maaaring hawakan lamang ang mga kagamitan, kaya’t bumili rin ng mga bag o purse na nababagay sa karamihan sa ating mga kasuotan upang may mapaglagyan ng mga pangangailangan nang hindi makasisira sa porma.
Mga bag na yari sa balat ang mainam bilhin dahil kahit ito’y mabasa ay hindi agad nasisira
Ibang okasyon, ibang sapatos.
May iba’t ibang klase ng okasyon kaya nararapat lamang na bumili ng mga sapatos na naaayon sa uri ng okasyon na dadaluhan. Hindi man natin aminin, may mga sapatos talagang sa isang tiyak o partikular na aktibidad lamang maaring magamit.
Bumuo ng sariling “signature style” – tuklasin ang iyong go-to outfit o ang kasuotan na angkop sa anumang okasyon.
Sa huli, kung saan pinakakomportable ang inyong piliin. Maganda kung makapaghanap ng inspirasyon na naayon o angkop sa inyong natitipuhang istilo. Wala rin namang masama sa pagsubok ng bago at pagbihis nang hindi naaayon sa kinasanayan.
Walang tiyak na patakaran sa industriya ng moda, ngunit mayroong mga patnubay, tagubilin, at payo na maaaring sundin ninuman. Hindi kailangan na limitahan ang sarili dahil lamang sa mga nababasa o naririnig. Kung sa tingin mo ay nababagay sa’yo, suotin mo at dalhin nang may lakas ng loob at kumpyansa sa sarili. Damit mo, desisyon mo. Walang sinuman ang maaring dumikta kung anuman ang nararapat mong suotin, kundi ang iyong sarili. Sariling moda, sariling pamamaraan at sariling istilo – iyan ang tatlong pinakamahalagang patakaran sa mundo ng pananamit.
Ang Laro ng Trono ay isang dramang serye na hango sa libro ni George R. R. Martin na A Song of Ice and Fire. Ang seryeng ito ay mapapanood sa HBO, isang sikat na alunan sa Europe at Americas. Kasalukuyan, mayroon itong pitong kabanata na nai-ere sa telebisyon. Ang ikawalong kabanata nito ay ang magiging huling kabanata ng seryeng ito. Ang huling kabanata ay sinasabing mapapanood sa HBO sa ika-labingapat ng Abril, taong 2019.
Mapa ng mga kontinenteng Westeros (Kaliwa) at Essos (Kanan)
Ang serye ay nagsimula sa dalawang piksyonal na kontinenteng nangangalang Westeros at Essos. Sa kanilang panahon, ang mga pamilya o bahay may tig-iisang kaharian. Halimbawa nito ang HouseStark na nakatira sa Winterfell,House Lannister na nakatira sa Casterly Rock,House Tyrell na nakatira sa Highgarden, House Martell na nakatira sa Dorne, House Baratheon na nakatira sa Stormlands, at iba pa. Ang kaharian naman ng King’s Landing ay dating pinamamahayan ng House Targaryen ngunit sila ay napatalsik sa pag-aklas ni Robert Baratheon ng House Baratheon. Dahil dito, si Robert ang tinangkilik ng mga tao, at naging hari ng King’s Landing at nakaupo ngayon sa Iron Throne. Sa puntong ito, nagsimula ang unang kabanata ng Laro ng Trono.
Mayroong apat na makapangyarihang pamilya na lumalaban para sa Laro ng Trono:
1.) House Targaryen
Motto: “Fire and Blood”
Ang Bahay ng Targaryen ay isang pamilya na nanggaling sa Valyria. Sila ang naghari sa Pitong Kaharian ng Westeros sa loob ng mahabang panahon. Ang simbolo ng Targaryen ay isang dragon na may tatlong ulo na bumubuga ng apoy. Ito ay dahil sa nagmamay-ari sila ng tatlong dragon na siyang ginamit ni Aegon Targaryen sa pagsakop ng Westeros. Ang Bahay ng Targaryen ay tinaguriang “Hari ng mga Andal, ng mga Rhoynar, at ng mga sinaunang tao, at ang panginoon ng Pitong Kaharian”. Ang kanilang pamumuno ay natigil sa pagkamatay ni Aerys Targaryen o mas kilala sa tawag na “Mad King” dahil sa rebelyon ni Robert Baratheon. Ang natira sa angkan ng mga Targaryen ay sina Viserys at Daenerys Targaryen, na tumungo sa Essos.
Daenerys Targaryen
Viserys Targaryen
Sa unang kabanata, inalay ni Viserys kay Khal Drogo ang kanyang kapatid na si Daenerys para makuha ang Iron Throne. At dahil ang Dakilang Khal ay hindi magpapatalo, pinatay nito si Viserys at kinuhang asawa si Daenerys. Sa kasal ni Daenerys at Khal Drogo, may isang matandang nag-alay ng tatlong itlog ng dragon, na sumisimbolo sa tatlong dragon ng kanyang yumaong ama. Kalaunan, namatay si Khal Drogo dahil sa isang sakit, at si Daenerys ang pumalit na pinuno ng mga Dothraki. Sinunog ang katawan ng Khal Drogo kasama ng mga itlog ng dragon. Pumasok si Daenerys sa pinagsusunugan, at inakalang patay na siya. Kinaumagahan, lumabas si Daenerys na hubo’t hubad at hawak-hawak ang kanyang tatlong dragon. Doon siya hinirang na tunay na pinuno ng Dothraki at nakuha ang pangalan na “Unburnt”.
Khal Drogo
Nagpatuloy si Daenerys sa kanyang misyon na bumalik sa Westeros, kaya bumisita ito sa bawat siyudad upang kumalap ng mga tauhan. Pinalaya niya ang mga alipin at kinuha ang militar ng bawat siyudad, kasama ang mga Unsullied. Nagalit ang mga may-ari ng alipin at ipinagpilitan nilang ibalik ang dating sistema ng “master-slave”. Hindi madali ang misyon ni Daenerys, dahil maraming mga makapangyarihan ang ayaw sa kanya, tulad ng Mga Anak ng Harpy.
The Wise Men
Mga Anak ng Harpy
Pagdating niya sa Westeros, agad siyang binati ni Jon Snow, na sa panahong iyon ay ang hari ng bahay ng Stark. Nakipagsanib-puwersa ito sa kanya at nakipaglaban sa mga White Walkers.
Daenerys Targaryen (Kaliwa) | Jon Snow (Kanan)
2.) House Stark
Motto: “Winter is Coming”
Ang Bahay ng Stark ay ang pamilya na ninirahan sa Winterfell. Sila ang pinagkatiwalaan ng hari na mamuno sa hilagang parte ng Westeros. Ang mga naging hari ng Bahay ng Stark ay tinaguriang “Hari ng Hilaga”.
Mapa ng Winterfell
Ang pamumuno ng Bahay ng Stark sa Winterfell ay natigil dahil sa “Pulang Kasal”. Sa Pulang Kasal, nagsabwatan ang Bahay ng Frey, Bahay ng Bolton, at Bahay ng Lannister, na patayin ang buong angkan ng Bahay ng Stark, sa kadahilanang ang Bahay ng Stark ay nasa giyera laban sa Bahay ng Lannister. Ang tanging natitirang mga miyembro sa Bahay ng Stark ay sina Jon Snow, Sansa Stark, Arya Stark, Rickon Stark, at Brandon Stark. Dahil sa walang pinuno ang Winterfell, sinakop ito ng Bahay ng Bolton sa pamumuno ni Ramsey Bolton. Kalaunan, si Rickon Stark ay pinatay ni Ramsey Bolton noong laban nila Jon Snow at Ramsey Bolton. Nagwagi si Jon Snow at nakuha muli ang Winterfell. Noong narinig ang balita na paparating si Daenerys sa Westeros, si Jon Snow ay pumunta kay Daenerys at sumumpa ng katapatan sa Bahay ng Targaryen. Ang dalawang bahay ay nakipaglaban sa mga White Walkers, dahil tumangging makipaglaban sa kanilang panig ang Bahay ng Lannister dahil ang Bahay ng Lannister ay kalaban ng Bahay ng Stark.
Pamilya ng Stark
Sa pakikipaglaban ng Stark at Targaryen sa mga White Walkers, nasawi ang isang dragon. At dahil sa ang pinuno ng White Walker ay may kakayahang bumuhay ng patay na tao, hayop, at ibang nawalan ng buhay, napaamo at sumanib ang dragon sa mga White Walkers. Dalawang dragon ang natira sa panig nila Daenerys.
Pagsira ni Viserion (Ice Dragon) ng “The Wall”
Sa pagtatapos ng ikapitong kabanata, ang Wall: ang huling dipensa ng sangkatauhan laban sa mga White Walkers, ay nasira ng dragon. Madaling nakapasok ang Night King: pinuno ng mga White Walkers, na aabangan ng maraming manonood sa huling kabanata.
3.) House Lannister
Motto: “Hear Me Roar!“
Ang Bahay ng Lannister ay isa sa mga pinakamakapangyarihang bahay sa buong Westeros. Sila rin ay isa sa mga pinakamayayaman at pinakamatatandang pamilya sa Pitong Kaharian. Ito ang kasalukuyang “royal family” ng Westeros dahil sila ay nakatira sa kapitolyo: ang King’s Landing.
Casterly Rock: Bahay ng Lannister
Kung ang Bahay ng Stark ang namumuno sa Hilaga, ang Kanluran naman ay pinamumunuan ng pamilyang ito, sapagkat ang kanilang tunay na kaharian ay ang Casterly Rock, na nasa kanlurang bahagi ng Westeros. Dahil sa makapangyarihan sila sa armas at pera, sila ang tinaguriang “Wardens of the West”.
Bukod
sa “Hear me Roar!”, mayroon pa silang
motto na nagsasabing “A Lannister always
pays their debts”.
Sa unang kabanata, ang
asawa ni Haring Robert Baratheon ay si Cersei Lannister, anak ni Tywin
Lannister at kapatid ni Jaime Lannister at Tyrion Lannister. Bagamat magkapatid
sina Jaime at Cersei, ang dalawa ay nagturingan na parang mag-asawa, at
nagbunga ng mga anak. Sa pagkamatay ni Haring Robert, pumalit ang anak ni
Cersei na si Joffrey Baratheon. Naging marahas ang pamumuno ni Joffrey
Baratheon. Si Joffrey naman ay ipinangako kay Margorie Tyrell, anak ng Reyna ng
Bahay ng Tyrell. Sa kanilang kasal na tinaguriang “Lilang Kasal”, nilason ng
Reyna ng Tyrell si Joffrey, ngunit hindi alam ni Cersei na ang Reyna pala ang
pumatay sa kanyang anak. Ang kanyang anak din na babae ay pinatay ng Reyna ng
Bahay ng Martell sa Dorne, dahil nakipagsabwatan ito sa Reyna ng Tyrell.
Pumalit bilang hari ang sumunod na anak ni Cersei na si Tommen Baratheon.
Ipinagkasundo ulit ni Cersei si Margorie kay Tommen. Nasa burol ng dating
haring si Joffrey ang buong pamilya ng Tyrell at iba pang mga tao. Pinasabog ni
Cersei ang buong Sept gamit ang “wildfire”.
Nang matanaw ni Tommen ang nangyari sa kanyang mahal na si Margorie, tumalon
ito sa bintana ng kanyang silid. At dahil wala nang susunod na anak si Cersei,
hinirang siyang Reyna ng King’s Landing at Pitong Kaharian.
Pagpupulong nila Daenerys, Targaryen, Jon Snow, at Cersei Lannister
Bumisita sila Jon Snow at Daenerys sa King’s Landing. Mapayapa silang nakiusap na mag-sanib-puwersa ang tatlo para sugpuin ang mga White Walkers. Ngunit hindi pumayag si Cersei at sa halip ay nanatili sa kanyang kaharian.
Sa pagtatapos ng ikapitong kabanata, nagsimula na ang “Long Night”. Si Jaime Lannister naman ay sumumpa at sasanib na sa panig ng Targaryen at Stark.
4.) House Baratheon
Motto: “Ours is the Fury”
Ang Bahay ng Baratheon ay
naninirahan sa Stormlands, na kung
saan sila ay tinaguriang “Lords Paramount
of the Stormlands”. Ang simbolo ng Bahay ng Baratheon ay isang usa na may
korona sa leeg, dahil sa ang dating hari ay si Haring Robert Baratheon. Sa
pagupo ni Haring Robert sa trono, nahati sa tatlo ang Bahay ng Baratheon. Una,
ay ang Bahay ng Baratheon sa King’s Landing, kung saan si Robert ang hari.
Ikalawa ay ang Bahay ng Baratheon sa Dragonstone na pinamunuan ng kanyang
kapatid na si Stannis Baratheon. At ang huli ay ang Bahay ng Baratheon sa
Storm’s End; ang pinakaunang kaharian ng Bahay ng Baratheon. Ang namumuno roon
ay si Renly Baratheon, dating asawa ni Margorie Tyrell.
Haring Robert Baratheon (Kaliwa), Stannis Baratheon (Gitna), Renly Baratheon (Kanan)
Pagkatapos ng
pagkamatay ni Haring Robert, sumiklab ang Greyjoy Rebellion. Natalo ng
Baratheon Fleet ang Iron Fleet ng Greyjoy sa pamumuno ni Stannis. Si Renly
Baratheon naman ay pinatay ng isang anino na sinasabing anino ni Melisandre ng Asshai,
ang tagapayo ni Stannis. Nang umakyat si Stannis bilang hari ng Bahay ng
Baratheon, nagmartsa ito patungo sa Winterfell upang sakupin ito laban kay
Ramsey Bolton ng Bahay ng Bolton. Namatay si Stannis sa laban nila ni Ramsey.
Doon nagtatapos ang mahabang linya ng Bahay ng Baratheon.
Pagkamatay ni Stannis Baratheon
White Walkers
Ang mga White Walkers ay mga sinaunang nilalang na namumuhay sa malamig at madilim na rehiyon ng Westeros. Ang rehiyong ito ay nasa parteng hilaga ng The Wall. Matapos ng maraming libong taon, sila ay muling magbabalik at maghahasik ng lagim sa kabuoan ng Westeros.
Ang mga Walkers ay ginawa para protektahan ang mga anak ng kagubatan mula sa mga sinaunang tao. Habang nagtagal, napagtanto ng mga White Walkers na sila ay mas makapangyarihan sa mga Anak ng Kagubatan. Dahil dito, sila ay naghamon ng giyera laban sa mga tao.
8,000 na taon bago ang rebelyon ni Haring Robert Baratheon, ang Westeros ay nakaranas ng Mahabang Gabi o ang “Long Night”. Sinakop ng White Walkers ang buong Westeros sa tulong ng mga wights: mga patay na taong kanilang binubuhay. Ang mga tao naman ng Westeros ay nakipaglaban sa mga White Walkers, at sila ay nagwagi sa Laban ng Bukang-Liwayway.
Pinaniwalaang ang mga White Walkers ay naubos na sa giyerang iyon. Ngunit makaraan ang maraming taon, muling binuhay ng mga Anak ng Kagubatan ang Night King. Ang Night King ang nagsilbing pinuno ng mga Walkers at Wights.
Ang Night King
Nagsimula ang serye sa mabagal na pag-usad ng Night King. Unang inatake ng Night King ang mga wildlings sa Hardhome. Sa pamumuno ng kanilang Lord Commander na si Jeor Mormont, naisalba pa nila ang maraming wildlings. Nagpatuloy ang Night King sa kanyang misyon na sakupin ang Westeros. Lalong lumakas ang kanyang puwersa nang mapatay ang Tribo ng mga Higante at isa sa tatlong dragon ni Daenerys Targaryen.
Sa pagtatapos ng ikapitong kabanata, ang Night King, ay nakalagpas na ng Wall. Sa susunod na kabanata, tumaas ang pagkakataon ng mga White Walkers na manalo.