Di talaga maiwasan na nawawala satin miski ang mga bagay na pinakaiingat ingatan natin. Tulad nalang ng pinaka-una mong touch-screen na phone na naupuan, naipit sa bulsa ng pantalon, tinapon ng kapatid mo na makulit, na embargo ni GInoong Vence, lumobo yung battery, nandilim, di mahawakan, walng kibo, namanhid, nanakaw,katabi mo lang pagtulog paggising mo wala na. Naku po naloko na!Pano ka na matatawagan 0.0, pano na yung rank sa ML, tapos yung mga reviewers sa Math, Physics lalo na sa Fili (HAHAHA)? Buti kung mayy bago agad na dumating. Mahirap din naman kasi mapalitan kung ano yung nawala mo sa kanya diba.
Dyan pumapasok …yung dati mong phone, tawagin nalang natin na iPonEx.Yung malii lang,na dipindot lang, na black ‘n white lang, na simple lang sa madaling sabi at ipinagpalit mo lang naman sa iba. Pero kahit ganun, andyan parin. Buhay parin. Edi ayun, magtatsaga ka nanaman sa pinaglumaang selpon ng kuya o ate o mama mo; walang wi-fi, bluetooth,netflix,youtube,messenger, magandang camera (na maraming filters pampaganda (ewww)) at marami pang iba. Kaya minsan, aminin man natin o hindi,medyo nakakahiya talaga ilabas at ipakita sa balat ng lupa ang ‘ex’ mong phone.
Pero napagisip isip ko,masaya naman bumalik kay iPonEx. Unang una yan eh,
SUPORTIB
Maiengganyo ka talagang mag aral dahil sa iPoEx mo. Pwedeng alas 9 palang sayo kahit pasadong alas 11 na talaga nang gabi. Ayos diba 🙂 ? Hindi ka aantukin, dahil ikaw ang bahala kung anong oras na. Bukod doon e wala ring mga pang-istorbong apps. In-short di mo talaga sya magagamit o bubuksan manlang liban nalang kung nagtext may importanteng text ang mama mo o kapag galit na sya 🙂 . Makakapagfocus ka talga sa pagaaral dahil wala kang choice; di ka matetempt na buksan ang messenger mo at tingnan kung nagreply na ba si kras.
Tapos..
PANGMATAGALAN
Kung medyo ulianin ka na, di mo na sigro maaalala kung kailan mo ito huling kinargahan. Panis yung bago mo na pansamantala lang; charge mo ngayon, lowbat mamaya. Mahabang mahaba ang buhay ng batireya ng iPonEx sa baka nga pwede kangmagcelebrate ng anniversary ng pagcharge ,di katulad ng iba ngayon minsan, hanggang weeksary nalang 🙂 .

PAMBIHIRA
Naholdap na lahat ng selpon ng mga kasama mo sa sasakyan, yung iPonEx mo nasayo parin 🙂 . Instant ticket pababa ng jeep. Sa oras na makita ng magnanakaw yung iPonEx mo, pwede ka na bumaba nang walang kahirap hirap.
#WalangKaagaw.Di pagiinteresan ang iPonEx mo.Sayong sayo lang talaga sya, sawakas mararanasan mo narin magkaroon ng di aagawin sayo. Andami na kasing mangaagaw ngayon e. charot!)
TIGASIN
Ilang beses nang nahulog tapos di nasao pero buhay parin. Ganya katigas ang iPonEx.. Si iPonEx pagnalaglag yung lalagpakan nya ang mababasag. Ganun sya katatag. E yung mga bago mo? Wala! Marupok! napabayaan mo lang ng saglit, e nahulog,ayun wasak yung screen. Iyak ka nalang po.
Dabest talaga yung iPonEx. Napatunayan nya lang na sa buhay di mo kailangan makipagsabayan sa kung ano ang uso. Makakahanap ka ng dahilan para mahalin and isang bagay na ‘di man ganun kahalaga sa iba, kaya ka pasayahin sa kung ano sya.


-Gawa ni: Jerome C. Imperial